PNP-HPG magpapakalat ng 100 tauhan sa EDSA

Isangdaang tauhan ng Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang tututok sa EDSA para magawang posible ang limang minutong biyahe mula Quezon City hanggang Makati.

Ayon kay Police Brig. Gen. Roberto Fajardo, maliban sa 100 tauhan ng PNP-HPG, may nakahanda rin silang 50 BMW motorcycles.

Aniya nakatakdang i-deputize ng Land Transportation Office (LTO) ang HPG para makapag-isyu sila ng traffic citations sa mga lumalabag sa batas-trapiko.

Posible naman aniya ang 5 minutong travel time mula QC hanggang Makati pero kapag off-peak hours lamang.

Aminado si Fajardo na ang pinaka-importante pa ring paraan upang maibsan ang mabagal na daloy ng traffic sa EDSA ay ang disiplina ng mga driver.

Read more...