Official report sa Recto Bank incident nakatakda nang isapubliko – Pangulong Duterte
Hawak na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang preliminary reports ng Philippine Coast Guard at Philippine Navy kaugnay sa Recto Bank incident.
Sa ambush interview sa premiere ng pelikulang “Kontradiksyon” sa Mandaluyong City, sinabi nito na inihahanda na ang official report na isusumite sa kanya.
Ayon sa pangulo, oras na mahawakan na njya ang official report kanya itong ipamamahagi sa publiko.
Pero sa ngayon ayon sa pangulo, ang imbestigasyon pa lamang ng Pilipinas ang kanyang hawak.
Bahala na aniya ang China na magsagawa ng sariling imbestigasyon.
“Para sigurong.. I dunno if China would be agreeable. But there has to be.. We have our own, I think it’s about to be completed. I already have the preliminary reports of the Coast Guard and the Navy, okay. But the official report has yet to be prepared and given to me for publication to the people. Yun yung atin,” ayon sa pangulo.
Una rito sinabi ng pangulo na bukas siya sa third party investigation.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.