Water level sa Angat dam bumagsak pa sa 158.77 meters

By Dona Dominguez-Cargullo June 25, 2019 - 07:53 AM

Kahit nakaranas ng magdamag na pag-ulan, nabawasan pa rin ang water level sa Angat dam sa nakalipas na 24 na oras.

Alas 6:00 ng umaga ngayong araw, June 25 ay nasa 158.77 meters ang water level ng Angat dam.

Nabawasan pa ito kumpara sa 159.09 meters na water level nito kahapon ng umaga.

Ang water level sa Ipo dam ay nabasawan din at ngayon ay nasa 99.67 meters.

Habang ang La Mesa dam naman ay nadagdagan ang water level at ngayon ay nasa 69.20 meters.

Ang Ambuklao at Binga dam ay nadagdagan ng bahagya ang antas ng tubig.

Habang pawang nabasawan naman ang water level ng San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya.

TAGS: dam, Pagasa, water level, weather, dam, Pagasa, water level, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.