14 patay, 50 sugatan sa bumagsak na tent sa India

AFP Photo
Patay ang 14 na katao makaraang mabagsakan ng tent sa Rajasthan, India.

Gumuho ang tent matapos ang naranasang matinding buhos ng ulan.

Karamihan sa mga nasawi ay nakuryente, habang ang iba ay nabagsakan ng debris.

Maliban sa mga nasawi, aabot sa 50 ang naitalang sugatan.

Ayon sa mga otoridad, nasa 300 ang nagtitipuon-tipon sa loob ng tent para sa religious activity nang mangyari ang aksidente.

Read more...