Magugunitang milyun-milyong Hong Kong residents ang nagsagawa ng kilos-protesta para ihayag ang pagtutol sa extradition bill.
Layon ng panukala na maiharap ang mga nagkasala sa batas sa mga pagdinig sa mga korte sa Mainland China.
Ayon kay Zhang, ang mga usapin sa Hong Kong ay domestic affairs ng China at walang kahit anong pwersang banyaga ang dapat makialam dito.
Opisyal na ring inanunsyo ng Foreign Ministry na dadalo sa G20 summit si Chinese President Xi Jin Ping.
Inaasahang makakapulong ni Xi si US President Donal Trump na posibleng maging simula para maisaayos ang usapin sa kalakalan ng China at US na ngayon ay nahaharap sa trade war.
Ang G20 summit ay magaganap sa Osaka, Japan sa June 27 hanggang 29.