China hindi papayag na matalakay sa G20 summit ang Hong Kong protests

By Rhommel Balasbas June 25, 2019 - 06:32 AM

Inanunsyo ni Chinese Assistant Minister of Foreign Affairs Zhang Jun na hindi papayag ang China na matalakay sa Group of 20 (G20) Nations Summit ngayong linggo ang isyu sa Hong Kong.

Magugunitang milyun-milyong Hong Kong residents ang nagsagawa ng kilos-protesta para ihayag ang pagtutol sa extradition bill.

Layon ng panukala na maiharap ang mga nagkasala sa batas sa mga pagdinig sa mga korte sa Mainland China.

Ayon kay Zhang, ang mga usapin sa Hong Kong ay domestic affairs ng China at walang kahit anong pwersang banyaga ang dapat makialam dito.

Opisyal na ring inanunsyo ng Foreign Ministry na dadalo sa G20 summit si Chinese President Xi Jin Ping.

Inaasahang makakapulong ni Xi si US President Donal Trump na posibleng maging simula para maisaayos ang usapin sa kalakalan ng China at US na ngayon ay nahaharap sa trade war.

Ang G20 summit ay magaganap sa Osaka, Japan sa June 27 hanggang 29.

TAGS: China Extradition bill, Chinese Assistant Minister of Foreign Affairs Zhang Jun, G20 summit, Hong Kong protests extradition bill, China Extradition bill, Chinese Assistant Minister of Foreign Affairs Zhang Jun, G20 summit, Hong Kong protests extradition bill

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.