Hybrid electric train ng DOST nakumpleto na ang test run

By Rhommel Balasbas June 25, 2019 - 04:47 AM

Nakumpleto na ng kauna-unahang Filipino-made hybrid electric train (HET) ang test run nito at pormal nang ibinigay sa Philippine National Railways (PNR).

Nilagdaan ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato dela Peña at PNR operations manager Joseline Geronimo ang ownership documents para sa tren.

Binuo ang naturang hybrid electric train ng Metals Industry Research and Development Center (MIRDC) isang attached agency ng DOST at unang pinasinayaan noong 2016.

Isinailalim ang tren sa 150-hour validation test sa Alabang-Calamba route ng PNR.

Pasado ang HET sa reliability, availability, maintainability at safety tests.

Kaya nitong magsakay ng 220 pasahero ay tumakbo ng 50 kilometro kada oras.

Inaasahang gagamitin na ng PNR para sa commercial ang tren sa mga susunod na linggo.

 

TAGS: DOST, hybrid train, pasado, PNR, validation test, DOST, hybrid train, pasado, PNR, validation test

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.