Oil price hike epektibo na ngayong umaga

By Rhommel Balasbas June 25, 2019 - 04:33 AM

Epektibo na simula ngayong umaga ang ikalawang sunod na linggong pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Sa abiso ng mga kumpanya ng langis tataas ng P0.30 ang presyo ng kada litro ng gasolina habang P0.55 ang dagdag sa kada litro ng diesel.

Ang Petron, Shell, Flying V, Caltex at Seoil ay may dagdag namang P0.45 sa kada litro ng kerosene o gaas.

Nauna nang nagpatupad ng taas-presyo ang Caltex na susundan ng lahat ng kumpanya ng langis mamayang alas-6:00 ng umaga.

Ang muling pagtaas sa presyo ng imported na petrolyo ay dahil pa rin sa nagaganap na tensyon sa Gitnang Silangan.

 

TAGS: Caltex, epektibo, Middle East, mported na petrolyo, oil price hike, produktong petrolyo, taas presyo, tensyon, Caltex, epektibo, Middle East, mported na petrolyo, oil price hike, produktong petrolyo, taas presyo, tensyon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.