Red lightning alert itinaas ng PAGASA; operasyon ng NAIA pansamantalang sinuspinde
Pansamantalang sinuspinde ang operasyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa itinaas na Red Lightning Alert ng PAGASA madaling-araw ng Martes.
Inilabas ang lightning alert ala-1:40 ng madaling-araw dahil sa naranasang malakas na pag-ulan na may kasamang mga pagkidlat.
Ibinalik naman sa normal ang operasyon matapos ibaba ang lightning alert mula sa Red patungong Yellow bandang ala-1:58 ng umaga.
Dakong 2:55 ng umaga ay lifted na ang lightning alert.
Kapag nakataas ang red lightning alert, kailangang itigil ang ramp movement ng aircraft at ground personnel para sa kanilang kaligtasan.
Itinataas ang red lighting alert kapag ang pag-ulan ay may kasamang pagkidlat siyam na kilometro ang lapit sa airport.
Pasado alas 12:00 ng hatinggabi ay naglabas ang Pagasa ng thunderstorm advisory kung saan naranasan ang malakas na ulan sa Metro Manila at karatig na mga lalawigan na nagdulot naman ng pagbaha sa iba’t ibang lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.