Pia Wurtzbach suportado ang legalisasyon ng same sex marriage
Sa gitna ng pagsusulong ng LGBTI community ngayong Pride Month na Hunyo, nagpahayag ng suporta si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach sa legalisasyon ng same sex marriage.
Sa panayam ng Inquirer Entertainmeh sa US Embassy annual reception dinner para sa LGBTI Pride Month sa bahay ni US Ambassador Sung Kim sa Makati City, sinabi ni Wirthzback ang kanyang opinion sa same sex marriage.
Suportado ng Filipina beauty queen na gawing legal ang same sex marriage sa bansa matapos na magkaroon ang Taiwan ng una nitong same sex marriage ceremonies.
Dismayado si Wurthbach sa pagtutol ng ilang sektor sa selebrasyon ng Pride Month.
Pangarap ng dalaga na isang araw ay maging legal ang same sex marriage sa Pilipinas kasunod ng pagtanggap dito ng mga kapit bahay na bansa.
Depensa pa ni Wurtzbach, walang ginagawang masama at walang sinasaktan ng mga miyembro at alyado ng LGBTI.
Kahit anya unti unti sumusulong ang bansa ay marami pa ang kailangan para sa mga miyembro ng grupo na hindi welcome sa komunidad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.