Donasyon ni Del Rosario sa 22 mangingisdang Pinoy, ibabalik ng DFA

By Clarize Austria June 25, 2019 - 02:45 AM

Nagpahayag si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na kailangan niyang ibalik ang kalahating milyong pisong donasyon na ibinigay ni dating DFA Secretary Albert Del Rosario.

Ang nasabing donasyon ay para sana sa 22 mangingisdang sangkot sa naganap na banggaan sa pagitan F/B Gem-Vir 1 ng Pilipinas at isang Chinese Fishing Vessel noong June 9.

Ayon kay Locsin, hindi maaaring gastusin ang naturang donasyon kaya isasauli ang tseke o maaaring ibigay sa National Treasury.

Dagdag pa niya, hindi ito maaaring ilipat sa ibang ahensya ng gobyerno dahil isa itong malversation.

Noong June ay kinumpirma ni Del Rosario sa isang text message na nagbigay siya ng donasyon sa ahensya noong June 19.

 

TAGS: 22 mangingisda, dating DFA Sec. Albert Del Rosario, DFA Sec. Teodoro Locsin Jr., donasyon, ibabalik, national treasury, Recto Bank, 22 mangingisda, dating DFA Sec. Albert Del Rosario, DFA Sec. Teodoro Locsin Jr., donasyon, ibabalik, national treasury, Recto Bank

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.