Mga nais maging House Speaker hinamong magsumikap ni Majority Leader Castro
Hinikayat House Majority Leader Fredenil Castro ang mga nais maging House Speaker na paghirapan mabuti ang pagnanais na maupo sa pinakamataas na pwesto sa Kamara.
Ayon kay Castro, dapat na pagbutihin ang panghihikayat sa mga kongresista sa halip na maki-sakay sa pangalan at event ng iba.
Ito ay matapos ang rebelasyon ni Taguig City Rep. Alan Peter Cayetano kaugnay ng mensahe ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco sa mga neophyte congressmen na pumunta sa Mass-Oath-Taking sa Malacañang ang mga bagong halal na supporters ni Senator-elect Bong Go.
Ito ay para umano pagpapakita ng suporta kay Go at ng mga bagong halal na opisyal na si Velasco ang sinusuportahang Speaker ni Pangulong Duterte sa 18th Congress.
Binigyang diin ni Castro na dapat ipaubaya sa mga bagong-halal na politiko ang Mass-Oath-Taking at bigyan ng pagkakataon ang mga bago na makilala at makasalamuha si Pangulong Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.