Batay sa 11pm weather bulletin ng PAGASA, ang LPA na dating bagyong ‘Onyok’ ay namataan sa bisinidad ng Manay, Davao Oriental.
Inialis na lahat ng mga naitalang Public Storm Warning Signals, pero inaasahang magdadala pa rin ng katamtaman na minsa’y maaring maging malakas na pag-ulan ang LPA sa mga rehiyon ng Davao, Northern Mindanao, at mga probinsya ng Lanao del Sur, Maguindanao at North Cotabato.
Dahil dito, pinaalalahanan ang mga residente sa mga nasabing lugar na mag-ingat sa posibleng flashflood at landslides na dala ng pag-ulan.
Makakaranas rin ng katamtaman hanggang malakas na ulan sa Eastern Visayas, Bicol Region at probinsya ng Quezon.
Samantala, delikado pa rin ang paglalayag sa mga karagatam sa Luzon at silangang bahagi ng Visayas dahil sa malalaking alon dala ng hanging amihan.