Bagyong Onyok, naging LPA na lang

By Kathleen Betina Aenlle December 19, 2015 - 12:28 AM

onyok_15121812Nag-landfall ang bagyong Onyok sa Manay, Davao Oriental sa CARAGA at tulad ng inaasahan, lalo itong humina at naging isa na lamang Low Pressure Area (LPA)

Batay sa 11pm weather bulletin ng PAGASA, ang LPA na dating bagyong ‘Onyok’ ay namataan sa bisinidad ng Manay, Davao Oriental.

Inialis na lahat ng mga naitalang Public Storm Warning Signals, pero inaasahang magdadala pa rin ng katamtaman na minsa’y maaring maging malakas na pag-ulan ang LPA sa mga rehiyon ng Davao, Northern Mindanao, at mga probinsya ng Lanao del Sur, Maguindanao at North Cotabato.

Dahil dito, pinaalalahanan ang mga residente sa mga nasabing lugar na mag-ingat sa posibleng flashflood at landslides na dala ng pag-ulan.

Makakaranas rin ng katamtaman hanggang malakas na ulan sa Eastern Visayas, Bicol Region at probinsya ng Quezon.

Samantala, delikado pa rin ang paglalayag sa mga karagatam sa Luzon at silangang bahagi ng Visayas dahil sa malalaking alon dala ng hanging amihan.

TAGS: bagyong onyok weakens, bagyong onyok weakens

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.