MRT-3 at LRT-2 may libreng sakay sa Pinoy seafarers sa June 25

By Angellic Jordan June 25, 2019 - 01:29 AM

May handog na libreng sakay sa mga Filipino seafarers ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) at Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) sa araw ng Martes, June 25.

Ito ay kasabay ng selebrasyon ng International Day of the Seafarer.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, magkakaroon ng libreng sakay sa mga seafarer mula 5:30 ng umaga hanggang matapos ang operasyon ng tren bandang 10:30 ng gabi.

Sinabi naman ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na may libreng biyahe ang mga seafarers mula 7:00 umaga hanggang 9:00 ng umaga at 5:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi.

Kinakailangan lang magprisinta ng mga seafarer ng kanilang Seafarer’s Identification and Record Book (SIRB) o Profession Regulation Commission (PRC) ID sa mga ticket booth o security guard sa mga istasyon.

Ipinagdiriwang ang International Day of the Seafarer tuwing June 25 base na itinakda ng International Maritime Organization (IMO) noong 2010 para bigyang-pagkilala ang mga kontribusyon ng mga marino.

 

TAGS: International Day of the Seafarer, International Maritime Organization, June 25, libreng sakay, LRT 2, LRTA, marino, MRT 3, PRC ID, Seafarer's Identification and Record Book, seafarers, International Day of the Seafarer, International Maritime Organization, June 25, libreng sakay, LRT 2, LRTA, marino, MRT 3, PRC ID, Seafarer's Identification and Record Book, seafarers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.