P25M halaga ng smuggled na mga sigarilyo nasabat sa Zamboanga
Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Navy ang isang bangka na naglalaman ng puslit na mga sigarilyo na nagkakahalaga ng P25 milyon sa Zamboanga City.
Nakalagay ang kontrabando sa bangkang “MJ Farnaliza” na posibleng galing sa Malaysia.
Ayon sa BOC at Philippine Navy, nakumpiska ang smuggled na mga sigarilyo noong June 20.
Inaresto naman ang tatlong sakay ng bangka.
Ayon sa crew ng bangka, kinuha lamang sila para magdala ng 740 kahon ng mga sigarilyo sa Zamboanga.
Nasa kustodiya na ng BOC ang tatlong naaresto para sa kaukulang imbestigasyon.
Hindi pa kilala ang recipient ng kontrabando pero ang smuggled na mga sigarilyo ay nakatakdang dalhin sa Sta. Cruz, Manila.
Ayon sa BOC, sisirain ang nakumpiskang mga sigarilyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.