Ayon kay Bureau of Fire Protection (BFP) – Quezon City operations chief Major Joseph Del Mundo, nagsimula ang sunog alas-9:40 ng gabi.
Partikular na nasunog ang Uninterruptible Power supply ng NPO na nakalagay sa basement na 24-oras umanong naka-on.
Iginiit ng staff ng ahensya na umaabot ng limang oras bago muling mabuksan ang makina kapag pinatay ito.
Bunsod ng napakakapal na usok sa basement, kinailangan ng ventilator mula sa QCDRRMC.
Umabot lamang sa unang alarma ang sunog at nakontrola alas-10:25 ng gabi.
Wala namang nasaktan sa sunog at patuloy na inaalam ang halaga ng pinsala nito.
MOST READ
LATEST STORIES