Duterte: China patuloy na mangingisda sa sakop ng EEZ ng Pilipinas

By Chona Yu June 25, 2019 - 12:24 AM

Screengrab of Chona Yu video

Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na patuloy na papalaot at mangingisda sa South China Sea ang mga Chinese

Ito ay kahit na sakop ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas ang ilang lugar sa South China Sea base sa naging desisyon ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Sa panayam sa media sa premiere ng pelikulang “Kontradiksyon” sa Megamall sa Mandaluyong city, sinabi ng Pangulo na magkaibigan kasi ang Pilipinas at China.

Sa paniwala ng Pangulo, hindi titigil ang China na mangisda sa lugar kahit na pigilan pa ng Pilipinas.

“I don’t think that China would do that. Why? Because we are friends. And they are of the same view that that should not result in a bloody confrontation,” ani Duterte.

Ang pahayag ng Pangulo ay sa gitna ng isyu ng pagbangga ng barko ng China sa bangka ng mga mangingisdang Pilipino sa Recto Bank na sakop na ng Pilipinas.

 

TAGS: China, EEZ, Kontradiksyon, magkaibigan, Mangingisda, Rodrigo Duterte, South China Sea, UNCLOS, China, EEZ, Kontradiksyon, magkaibigan, Mangingisda, Rodrigo Duterte, South China Sea, UNCLOS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.