PNoy, nagdeklara na ng State of National Calamity dahil sa epekto ng bagyong Nona

By Len Montaño December 18, 2015 - 07:25 PM

pnoy-aquinoIdineklara ni Pangulong Benigno Aquino III ang State of National Calamity kasunod ng pinsalang dulot ng bagyong Nona partikular sa bilang ng mga nasawi at halaga ng pinsala.

Ayon kay Communications Secretary Sonny Coloma, nag-issue ang pangulo ng Proclamation Number 1186 na nagdedeklara ng State of National Calamity.

Layon ng hakbang na pabilisin ang “rescue, recovery, relief and rehabilitation efforts” dahil sa epekto ng bagyong Nona.

Huling nagdeklara ang pangulo ng State of National Calamity noong November 2013 kasunod ng hagupit ng super typhoon Yolanda.

Binanggit sa proklamasyon ang malawakang pinsala at mga namatay sa ilang lugar kabilang sa mga lalawigan ng Albay, Northern Samar, Oriental Mindoro, Romblon at Sorsogon.

“This declaration will, among others, effectively control the prices of basic goods and commodities for the affected areas and afford the government ample latitude to utilize appropriate funds for rescue, recovery, relief, and rehabilitation efforts of, and to continue to provide basic services to, affected populations, in accordance with the law,” nakasaad sa proklamasyon.

Tatagal o mananatiling epektibo ang State of National Calamity hanggat hindi ito inaalis ng pangulo.

Sa huling report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, umabot na sa labing-pito ang death toll at nasa dalawampu ang sugatan habang halos isang bilyong piso ang halaga ng pinsala sa agrikultura at imprastraktura.

Una nang idineklara ang State of Calamity sa mga probinsya ng Oriental Mindoro, Sorsogon, Albay at Northern Samar.

TAGS: PNoy, State of National Calamity, PNoy, State of National Calamity

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.