Mga kongresista lumagda na ng manifesto of support sa pipiliing susunod na speaker

By Erwin Aguilon June 24, 2019 - 06:11 PM

Inquirer file photo

Kinumpirma ng tatlong miyembro ng ruling party na PDP-Laban na apatnapung kongresista ang lumagda sa isang manifesto bilang pagsuporta sa speakership bid ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

Ayon kina Reps. Doy Leachon, Johnny Pimentel at Rimpy Bondoc, nangyari ang pirmahan sa isang venue sa San Juan City kagabi at inaasahan nilang marami pa ang susuporta kay Velasco.

Ipinaliwanag ni Pimentel na ang PDP-Laban ang pinakamalaking bloc sa 18th Congress na may pinakamataas na tsansang magluklok ng house speaker kaya ang mensahe sa ginanap na pulong ay dapat palakasin at pagkaisahin ang partido sa pag-endorso ng kandidato.

Mistulang sumuko na rin anila sa speakership race si Pampanga Rep Dong Gonzales matapos lumagda sa naturang manifesto habang hindi dumalo sa pagtitipon si Davao Del Norte Rep Pantaleon Alvarez.

Iginiit rin ni Bondoc na nagustuhan ng mga miyembro ang husay sa pagsasalita ni Velasco at ang pangako nito na magiging bukas sa pangangailangan ng constituents sa bawat distrito.

Sinasabing ang PDP-Laban na may siyamnapung kongresista ang may pinakamaraming bilang na papasok sa 18th Congress subalit sa isang hiwalay na manifesto ay nabatid na isandaan at limampu’t tatlong mambabatas ang susuporta sa speakership bid ni Leyte Rep-Elect Martin Romualdez.

TAGS: Alvarez, Congress, Romualdez, speaker, velasco, Alvarez, Congress, Romualdez, speaker, velasco

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.