Siniguro ng pamunuan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na gumagana ang 20 lightning arresters sa kanilang mga terminals.
Ang lightning arresters ay aparato na inilalagay upang protektahan ang electrical at telecommunications facilities mula sa nakakasirang epekto ng kidlat.
Ayon naman kay NAIA general manager Ed Monreal, kada tatlong taon ay iniispeksyon ang mga naturang device upang masiguro na pasok ito sa standards.
Humingi naman ng paumanhin si Monreal sa mga pasahero sa pagkaantala ng operasyon ng paliparan dahil sa mga pagkidlat.
Gustong tiyakin ng mga airline companies na ligtas ang byahe ng mga pasahero lalo na kung may thunderstorms ayon pa sa opisyal.
MOST READ
LATEST STORIES