Lacson: Hindi pa ako naghahanda sa 2022 presidential election

By Jan Escosio June 24, 2019 - 04:38 PM

Inquirer file photo

Itinanggi ni Senator Panfilo Lacson ang mga haka-haka na pinaghahandaan na niya ang presidential election sa 2022.

Ginawa ito ni Lacson dahil sa paglutang ng mga alegasyon na matindi ang pagpuna niya sa malamyang pagtugon ng Malacañang sa Recto Bank incident dahil naghahanda siya sa muling pagsabak sa presidential election.

Tinangka ni Lacson na sungkitin ang pinakamataas na posisyon sa bansa noong 2004 ngunit kabilang siya sa mga tinalo ni dating Pangulong Gloria Arroyo.

Sa kanyang Tweet, sinabi ni Lacson na hindi niya pinaghahandaan ang 2022 at aniya anuman ang kanyang mga sinasabi ay pagpapahayag lang ng kung ano ang kanyang nasa isip o saloobin.

Aniya kadalasan ay seryoso siya, minsan ay nagpapatawa, pilyo, kontrobersyal, at nakakakabagot.

Sinabi pa nito, gustong gusto niya ang paggamit sa Twitter dahil nagagawa niyang makapag-isip, magberipika ng mga datos at siya ay natututo.

Ibinahagi din nito na siya ay may 22,218 Twitter followers, may sinunsundan na  374 Twitter accounts at nag-block ng 448 Twitter users.

TAGS: 2022 presidential election, China, duterte, lacson, Recto Bank, 2022 presidential election, China, duterte, lacson, Recto Bank

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.