Kalakalan sa pagitan ng Brunei, Indonesia, Malaysia at Pilipinas kinakailangang palakasin pa – Pangulong Duterte

Presidential photo
Humihirit si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kapitbahay na bansa na palakasin pa ang kalakalakan sa rehiyon.

Sa plenary intervention ni Pangulong Duterte sa 13th BIMP-East ASEAN Growth Area (BIMP-EAGA) sa Thailand, sinabi nito dapat na makapagtatag ang apat na bansa ng BIMP-EAGA Facilitation Center, isang fully functioning secretariat para maging responsable at resilient sa mga problemang kakaharapin ng rehiyon.

Dapat din aniyang paigtingin ang Food Basket Strategy at i-develop ang Halal industry para maging global industry.

Hiniling din ng pangulo kay Malaysian Prime Minister Mahathir Mohamad na madaliin ang negosasyon para sa barter trade system sa pagitan ng Pilipinas at Malaysia para makalikha ng trabaho at income.

Pinamamadali din ng pangulo ang paglalatag ng panuntunan para sa operasyon ng non-convention ships.

Nakapulong ng pangulo sina Mohamad Brunie Sultan Hassanal Bolkiah at Indonesian President Joko Widodo, sa sideline ng ASEAN Summit sa Thailand.

Read more...