2 drug pusher patay nang manlaban sa mga pulis sa Bulacan

By Jimmy Tamayo June 24, 2019 - 11:16 AM

Patay ang dalawang hinihinalang tulak ng droga matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Sta. Maria Bulacan Linggo (June 24) ng madaling araw.

Kinilala ni Bulacan police director Police Colonel Chito Bersaluna ang mga nasawi na sina Roberto dela Peña, 32 anyos at Richard Alabado, 23 anyos na kilalang nagbebenta ng iligal na droga sa lugar.

Ayon sa ulat, aarestuhin na sana ang dalawa matapos makumpirma ang kanilang operasyon nang bumunot ng baril ang mga ito at magpaputok sa mga pulis.

Dahil dito, gumanti ng putok ang otoridad na agad na ikinasawi ng mga drug suspect.

Nakuha sa mga suspek ang dalawang baril, 13 sachet ng shabu at marked money na ginamit ng undercover agent.

TAGS: Bulacan, drug suspects, Radyo Inquirer, Santa Maria, Bulacan, drug suspects, Radyo Inquirer, Santa Maria

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.