Bagyong Onyok, inaasahang magla-landfall sa Surigao Del Sur mamayang gabi.

onyok dec18Binalaan ang mga nakatira sa Visayas at Mindanao na maghanda sa pananalasa ng bagyong Onyok na inaasahang magla-landfall sa Surigao Del Sur mamayang gabi.

Ayon sa PAGASA at National Disaster Risk Reduction and Management Council, magpapatuloy ang hagupit ng bagyong Onyok sa mga lugar sa Visayas at Mindanao hanggang sa weekend.

Inaasahan ang heavy hanggang intense na pag-ulan sa 100 kilometer-radius ng bagyo.

Nasa 237 munisipalidad sa walong rehiyon ang inaasahang tatangap ng 100 millimeter o mahigit pang dami ng ulan na pwedeng maging dahilan ng baha at landslides.

Sinabi ni Dr. Elsie Cayanan ng PAGASA na posible ang landslides at flashfloods sa Aurora, Quezon, Bicol Region at Eastern Visayas.

Binalaan din ang mga mangingisda at nakatira sa Northern, Eastern at Western seaboards ng Luzon at Eastern Coast ng Samar at Leyte laban sa malalaking alon ng karagatan.

Bago magtanghali ngayong Biyernes ay namataan ang bagyo sa bahagi ng Hinatuan, Surigao Del Sur taglay ang hangin na 55 kilometers per hour at bilis na 20 kilometers per hour.

Tatahakin nito ang Sulu Sea malapit sa Southern Palawan sa Sabado ng umaga at posibleng lumabas ng Philippine Area of Responsibility sa Linggo na isa na lamang Low Pressure Area.

Read more...