OFW sa Morocco, patay matapos mahulog mula sa 3rd floor habang tumatakas sa employer

By Dona Dominguez-Cargullo June 24, 2019 - 08:30 AM

Nasawi ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) makaraang mahulog mula sa 3rd floor ng apartment building habang nagtatangkang tumakas mula sa kaniyang amo.

Ayon kay Philippine Embassy in Tripoli Chargé d’Affaires Elmer Cato, ang Pinay ay pumanaw dahil sa natamong pinsala sa katawan.

Nahulog ang 49 anyos na Pinay mula sa apartment building sa Casablanca noong Sabado matapos makatalo ang kaniyang amo.

Gumamit umano ng pinagdugtong-dugtong na tela ang OFW para tumakas pero nahulog ito.

Hawak na ng mga otoridad sa Morroco ang employer ng Pinay.

Nagpadala na rin ng consular team sa Casablanca para ayusin ang repatriation ng mga labi ng biktima.

TAGS: DFA, Foreign Affairs, Morocco, ofw, Radyo Inquirer, DFA, Foreign Affairs, Morocco, ofw, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.