AFP, kinundina ang ambush ng NPA na ikinasugat ng 2 sundalo sa Samar

By Len Montaño December 18, 2015 - 04:24 PM

AFPKinondena ng Armed Forces of the Philippines ang ambush ng New People’s Army na ikinasugat ng dalawang sundalo na sakay ng convoy ng military trucks na nagdala ng relief goods sa mga lugar na tinamaan ng bagyong Nona.

Ang mga sundalo, na kabilang sa 546th Engineering Construction Battalion at 81st Division Reconnaissance Company ay nasa Humanitarian Assistance and Disaster Response Operations para sa mga biktima ng bagyo sa Bgy. Madalunot, Pinabacdao, Samar.

Ayon kay Major General Jet Velarmino, Commander ng 8th Infantry Division, patuloy ang pag-atake ng NPA sa mga tropa ng gobyerno na tumutulong sa mga biktima ng kalamidad.

Pabalik na sa Office of Civil Defense-Eastern Visayas (OCD 8) sa Tacloban City ang convoy ng tatlong trak na isang
m35 truck, isang mignon civilian vehicle at isang mini dump truck, sa pangunguna ni 1st Lieutenant Fritz Perez at dalawang kawani ng DSWD nang tambangan sila ng hindi nabilang na mga rebelde.

Dalawa ang nasugatan sa panig ng militar at makalipas ang labing-limang bakbakan ay naniniwala ng AFP na ilang NPA members ang nasugatan o namatay.

Tiniyak naman ni Velarmino na ang pag-atake ng npa ay hindi makakapigil sa relief operations para sa mga biktima ng bagyong Nona sa Eastern Visayas.

TAGS: armed forces of the philippines, new people's army, armed forces of the philippines, new people's army

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.