Ayon kay PAGASA weather specialist Gener Quitlong, maaaring mapalakas ng sama ng panahon ang southwest monsoon o habagat na magdadala ng kalat-kalat na mga pag-ulan sa western sections ng Luzon, Visayas kabilang na ang Metro Manila sa araw ng Miyerkules.
Huling namataan ang LPA sa layong 625 kilometro Hilagang Silangan ng Guiuan, Eastern Samar.
Ayon kay Quitlong posibleng maging ganap na bagyo ang LPA sa loob ng 3 araw.
Hindi naman inaasahang tatama sa kalupaan ang LPA kahit na maging bagyo ito.
Ngunit ang mga pag-ulan nito ay inaasahan sa Central Luzon kabilang na ang Bulacan kung nsaan ang Angat Dam.
Samantala, mula nang sumadsad sa critical level ang antas ng tubig sa Angat Dam, lalo pa itong bumagsak sa 159.43 meters araw ng Linggo.