Ayon sa BIR, nasa 210.3 million pesos ang binayarang buwis ni Pacquiao noong nakaraang taon.
Number one na taxpayer sa bansa si Jacinto Ng mula sa Rebisco Group na nagbayad ng kabuuang P280.1 million pesos na buwis.
Pang-apat naman ang presidential sister na si Kris Aquino na nagbayad ng P54 million pesos na buwis.
Pasok din sa listahan ang Megastar na si Sharon Cuneta-Pangilinan na mahigit P49 million pesos ang binayarang buwis.
Kabilang din sa listahan ng nangungunang taxpayers noong 2014 ang anak ni ng na si Jacinto Jr. at sina Vivian Que, Jose Chavez Alvarez, Ronaldo Romero Soliman, William Schultz, Lauro Castro Baja III, Eduardo Murphy Cojuangco Jr., George Tiu Chua at Jonathan Co Ng.
Noong taong 2013 ay nangunang taxpayer si Pacquiao sa binayaran nitong 163 million pesos.