Fetus na nakasilid sa plastic bag, natagpuan sa Las Piñas

Natagpuang nakasiilid sa plastic bag ang isang fetus sa Las Piñas City, Linggo ng madaling-araw.

Ayon sa Las Piñas City police, nakita ang fetus makaraang buksan ang plastic bag sa bahagi ng Barangay Pulanlupa 1 bandang 5:00 ng madaling-araw.

Sa ngayon, nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya kung sino ang responsable sa insidente.

Kasabay nito, hinikayat naman ng pulisya ang publiko na huwag nang magkalat ng mga maling impormasyon sa social media ukol sa insidente.

Read more...