Duterte sa ASEAN leaders: Dapat pangalagaan ang migrant workers, PWDs
Idiniga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga lider na kasapi ng Association of Southest Asian Nation (ASEAN) na pangalagaan ang kapakanan mga migrant worker at persons with disabilities sa buong rehiyon.
Sa intervention ng pangulo sa plenary session ng 34th Asean Summit sa Bangkok, Thailand sinabi nito na habang isinusulong ng ASEAN countries ang mobility ng bawat mamamayan, hindi dapat na kalimutan ang pangangalaga sa kanilang kapakanan.
Hirit pa ng pangulo, dapat magpatupad ang ASEAN countries ng mga panuntunan na magbibigay-daan para masolusyunan ang problema sa human trafficking.
Matatandaang nagpatupad kamakailan si Pangulong Duterte ng deployment ban sa Kuwait dahil sa sa pagpatay sa isang overseas filipino worker (OFW).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.