ASEAN leaders, hinikayat ni Pangulong Duterte na bigyang-atensyon ang mga mamamayan
Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga lider na kasapi sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na paglagakan ng puhunan at pagtuunan ng pansin ang kanilang mga kababayan.
Sa intervention ng pangulo sa plenary session ng 34th Asean Summit sa Bangkok, Thailand sinabi nito na ang manpower ang sandalan para magkaroon ng inclusive, equitable at sustainable development ang isang bansa.
Dahil dito, sinabi ng pangulo na kaya pursigido ang Pilipinas na mag-invest sa greatest resources at ito ay ang mamamayan.
Suportado ng pangulo ang pagkakaroon ng ASEAN Technical Vocational Education and Training Development Council.
Suportado rin ng pangulo ang micro, small, at medium enterprises (MSME) dahil ito ang backbone ng ASEAN economies.
Hinikayat ng pangulo ang ASEAN leaders na suportahan ang mga maliliit na negosyo sa rehiyon ng Asya.
Isa kasi aniya ang MSME sa nakatutulong para sa pagbibigay ng trabaho.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.