Dobleng kampanya vs ilegal na droga, terorismo inapela ni Pangulong Duterte sa ASEAN countries

By Chona Yu June 23, 2019 - 06:39 PM

Presidential photo

Umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga bansang kasapi sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na doblehin pa ang paglaban sa ilegal na droga, terorismo, violent extremism at transnational crime.

Sa intervention ng pangulo sa plenary session ng 34th Asean Summit sa Bangkok, Thailand sinabi nito na malaking banta kasi sa seguridad ang terorismo.

Katunayan, ang karahasan ang nagdudulot ng pagkakahati-hati ng komunidad, sumisira sa pamilya at nakakapagpabagsak ng ekonomiya.

Umapela rin ang pangulo sa Amerika at China na tigilan na ang trade war at ayusin ang hindi pagkakasundo sa maayos na pamamaraan.

Dapat aniyang maging bukas ang ASEAN countries sa multilateral trading system.

TAGS: 34th ASEAN Summit, ilegal na droga, Rodrigo Duterte, Terorismo, transnational crime, violent extremism, 34th ASEAN Summit, ilegal na droga, Rodrigo Duterte, Terorismo, transnational crime, violent extremism

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.