Kiefer Ravena, magbabalik-ensayo na sa Gilas Pilipinas at NLEX Road Warriors
Nakatakdang magbalik-ensayo si Kiefer Ravena sa NLEX Road Warriors sa araw ng Martes (june 25).
Nahinto kasi sa paglalaro si Ravena simula May 2018 bunsod ng 18-buwang suspensyon na ipinataw ng FIBA dahil sa pagpopositibo sa ilang prohibited substances list ng World Anti-Doping Agency (WADA).
Ayon sa manlalaro, nais lamang niyang makabalik sa court kasama ang kaniyang koponan.
Umaasa ang 25-anyos na manlalaro na makapagdadala ng kampeonato para sa NLEX.
Sa ilalim ng alituntunin ng FIBA, maaring makapag-ensayo si Ravena dalawang buwan bago matapos ang kaniyang ineligibility period.
Opisyal na matatapos ang suspensyon ni Ravena sa August 24, 2019.
Samantala, makakapag-ensayo na rin si Ravena sa Gilas Pilipinas sa araw ng Lunes (June 24).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.