Nilagdaang kasunduan sa delimitation ng exclusive economic zone boundary ng Pilipinas at Indonesia, welcome sa Palasyo

By Chona Yu June 23, 2019 - 04:39 PM

Welcome sa Palasyo ng Malakanyang ang nilagdaang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia kaugnay sa delimitation ng exclusive economic zone boundary ng dalawang bansa.

Ayon kay Presidential spokesmn Salvador Panelo, naselyuhan ang kasunduan matapos ang bilateral meeting nina Pangulong Rodrigo Duterte at Indonesian President Joko Widodo sa ASEAN Summit sa Bangkok, Thailand.

Ayon kay Panelo, ang kasunduan ay patunay na malakas at matatag ang relasyon ng dalawang bansa na ngayon ay nagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng formal diplomatic at bilateral relations.

Dagdag ni Panelo, ang naturang kasunduan ay magiging instrumentong legal para matugunan ang maritime concern at maayos ang sea disputes nang naayon sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

TAGS: delimitation ng exclusive economic zone boundary, indonesia, Pilipinas, Salvador Panelo, delimitation ng exclusive economic zone boundary, indonesia, Pilipinas, Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.