Pangulong Duterte, nakiisa sa mga lider sa 34th Asean Summit
Nakiisa si Pangulong Rodrigo Duterte sa pormal na pagbubukas ng 34th Association of Southeast Asian Nations (Asean) Summit sa Bangkok, Thailand Linggo ng umaga.
Dumating ang pangulo para sa mga seremonya na nagsimula bandang 9:00 ng umaga.
Nakipag-kamay ang pangulo sa iba pang lider ng regional bloc tulad nina Singaporean Prime Minister Lee Hsien Loong, Thailand Prime Minister Prayuth Chan-o-Cha, Indonesian President Joko Widodo, Vietnam Prime Minister Nguyen Xuan Phuc, Brunei Sultan Hassanal Bolkiah, Laos Prime Minister Thongloun Sisoulith, Cambodian Prime Minister Hun Sen, Malaysian Prime Minister Mahathir Mohamad at State Counsellor ng Myanmar na si Aung San Suu Kyi.
Bilang chairman ng Asean Summit ngayong taon. sinalubong naman ni Prayut ang mga lider.
Tinawag nito ang pulong bilang mas malaking oportunidad para sa mga kinakaharap na problema ng mga bansa.
Ani Prayut, ang pagiging matibay at pagkakaisa ng ASEAN countries ang susi para masolusyunan ang mga problema at mabigyan nang maayos na pundasyon ang mga susunod na henerasyon.
Binati rin ng Thai leader ang ipinapamalas na kooperasyon ng Asean member states.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.