Sundalo patay, 2 sugatan sa engkwentro sa Negros Oriental

By Angellic Jordan June 23, 2019 - 03:48 PM

Nasawi ang isang sundalo habang nasugatan ang dalawang iba pa sa sumiklab na bakbakan sa Manjuyod, Negros Oriental Sabado ng gabi.

Ayon kay Brig. Gen. Ignacio Madriaga, naganap ang engkwentro sa pagitan ng militar at mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa bahagi ng Barangay Bantolinao.

Nangyari ang bakbakan matapos ang isinagawang medical at dental mission ng Office of the President sa nasabing lugar.

Hindi bababa sa 20 miyembro ng rebeldeng grupo ang nakipagpalitan ng putok ng baril sa mga tropa ng pamahalaan.

Ayon pa kay Madriaga, narekober sa pinangyarihan ng engkwentro ang pampasabog mula sa rebeldeng grupo.

TAGS: Manjuyod, Militar, Negros Oriental, NPA, Manjuyod, Militar, Negros Oriental, NPA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.