ASEAN leaders, nangako sa mabilis na pagbuo ng code of conduct sa South China Sea

By Angellic Jordan June 23, 2019 - 04:27 PM

Inquirer file photo

Nangako ang mga Southeast Asian leader sa mabilis na pagbuo ng code of conduct para sa South China Sea.

Ito ay kasunod ng naganap na pagbangga ng Chinese fishing vessel sa bangkang pangisda ng mga Filipino sa Recto Bank noong June 9.

Isinalaysay ng mga lider ang kanilang pangako sa ASEAN Leaders’ Vision Statement on Partnership for Sustainability.

Nakasaad sa dokumento na nagkasundo ang mga lider na aktibong magtatrabaho para mabuo at matuloy ang implementasyon ng 2002 Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC) para sa epektibong Code of Conduct sa South China Sea (COC).

Inaasahang itutulak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkumpleto ng COC sa ASEAN Summit matapos ang mahaba nitong salaysay ukol sa “claims” ng China sa South China Sea.

Nagsisilbi ang Pilipinas bilang coordinator ng ASEAN-China dialogue partnerhip hanggang 2021 kung saan inaasahang isagawa ang negosasyon sa code of conduct sa South China Sea.

Nangako naman ang mga lider na magkaroon ng mapayapang resolusyon sa mga pinagtatalunang teritoryo alinsunod sa international law, kabilang ang 1982 United Nations Convention for the Law of the Sea (UNCLOS).

Tiniyak din ng ASEAN leaders ang kahalagahan ng pagpapanatili ng kapayapaan, seguridad, kaligtasan at kalayaan sa paglalakbay sa South China Sea.

TAGS: asean leaders, ASEAN Leaders' Vision Statement on Partnership for Sustainability, Code of Conduct, Rodrigo Duterte, South China Sea, asean leaders, ASEAN Leaders' Vision Statement on Partnership for Sustainability, Code of Conduct, Rodrigo Duterte, South China Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.