Bilang ng mga patay sa bagyong Nona, umabot na sa 17

bagyong nonaUmakyat sa labingpito ang bilang ng mga namatay sa bagyong Nona batay sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.

Apat ang nasawi sa CALABARZON, pito sa MIMAROPA, apat sa Bicol at dalawa sa Samar provinces habang dalawampu naman ang nasugatan dahil sa hagupit ng bagyong Nona.

Nasa evacuation centers naman ang 76,796 na pamilya o 222,438 na katao sa Central Luzon, Calabarzon, MIMAROPA, Bicol at Eastern Visayas.

Samantala, naitala ng NDRRMC ang halos isang bilyong pisong halaga ng pinsala sa mga ari-arian kabilang pinsala sa agkrikultura at imprastraktura.

Sa Bicol Region ang pinakamalaking pinsala na tinatayang 181 million pesos sa crops at 295 million pesos naman sa high value commercial crops.

Wala pa ring kuryente sa dalawang syudad at labingapat na munisipalidad.

Anim na beses na nag-landfall ang bagyong nona: sa Batag, Northern Samar; Bulusan; Sorsogon; Burias Island; Banton Sorsogon; Pinamalayan, Oriental Mindoro; at Lubang Island, Oriental Mindoro.

Read more...