6 patay sa sunog sa Caloocan

By Angellic Jordan June 23, 2019 - 03:33 PM

Patay ang anim katao, kabilang ang tatlong buwang sanggol, makaraang sumiklab ang sunog sa isang bahay sa Caloocan City, Linggo ng madaling-araw.

Ayon sa Bureau of Fire Protection-Caloocan, nagsimula ang sunog sa kanilang bahay sa bahagi ng Phase 8, Package 5, Block 59 ng Barangay 176 sa Bagong Silang bandang 2:40 ng madaling-araw.

Magkakamag-anak ang mga nasawi sa sunog.

Pinaniniwalaang ang naiwang kandila ang sanhi ng sumiklab na sunog sa lugar.

TAGS: bagong silang, caloocan, sunog, bagong silang, caloocan, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.