Antas ng tubig sa Angat Dam, patuloy ang pagsadsad sa critical level
Sumadsad pa ang antas ng tubig sa Angat Dam sa critical level, araw ng Linggo (June 23).
Ayon sa PAGASA weather bureau, bumaba sa 159.43 meters ang antas ng tubig sa Angat Dam bandang 6:00 ng umaga.
Mas mababa ito kumpara sa 159.78 meters na naitala noong araw ng Sabado (June 22).
Maikukunsiderang nasa critical water level ang dam kapag naabot ang 160 meters pababa.
Maliban sa Angat Dam, nabawasan din ang water level sa Ipo, Binga, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya Dam.
Bahagya namang nadagdagan ang antas ng tubig sa La Mesa at Ambuklao Dam.
Matatandaang inanunsiyo ng National Water Resources Board (NWRB) ang pagbabawas ng alokasyon ng tubig sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) at mga water concessionaire nito dahil sa pag-abot ng critical water level sa Angat Dam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.