Salam Compound sa Quezon City, pitong araw nang walang tubig

By Noel Talacay June 23, 2019 - 01:19 PM

Nagtitiis ang mga nakatira sa Salam Compound sa Barangay Culiat, Quezon City dahil sa pitong araw nang walang tubig sa lugar.

Ayon sa kanilang tribal leader, may mga abiso ng magkakaroon sila ng tubig tuwing alas 5:00 ng madaling araw hanggang ala 1:00 ng hapon ngunit walang tubig na dumarating.

Ang mga katabing barangay naman ay may tubig, kung kaya’y nararamdam sila na mayroong diskriminasyon na pagrarasyon.

Kaya alas 3:00 pa lang ng madaling araw ay pumila na ang mga residente nang dumating ang trakng bumbero may dalanng suplay ng tubig.

Samantala, tumulong na ang Bureau of Fire Protection (BFP) Project 6 na mag dala ng tubig sa nasabing lugar.

TAGS: Barangay Culiat, Bureau of Fire Protection (BFP) Project 6, quezon city, Salam Compound, Walang Tubig, Barangay Culiat, Bureau of Fire Protection (BFP) Project 6, quezon city, Salam Compound, Walang Tubig

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.