Pacquiao, ganadong mag-ensayo sa labas ng bahay

By Clarize Austria June 23, 2019 - 12:29 PM

Puspusan pa rin ang pagsasanay ni boxing champ at senador Manny “Pacman” Pacquiao bilang paghahanda sa laban kay Keith Thurman.

Ayon sa Pambansang Kamao, ganado siya sa pag-eensayo sa mga pampublikong lugar.

Bilang paghahanda, gumigising ng madaling araw si Pacquaio, nagsasagwa ng matinding sparring, at pagtakbo sa isang parke mula sa kaniyang bahay.

Kasabay ng paglabas niya ay ang pagsasagawa ng ehersisyo kagaya na lamang ng pagtakbo ng ilang laps, shadox boxes, at core work outs.

Kapag hindi nag-i-sparring at tumatakbo siya paakyat sa mga burol.

Kasama ni Pacquiao ang mahigit sa dalawang dosenang training partners, mga tagapagbantay, kaibigan at mga tagahanga sa pagsasanay.

Magaganap ang laban ni Pacquiao at Thurman sa MGM Grand sa Las Vegas sa darating na July 20.

TAGS: Keith Thurman, Manny "Pacman" Pacquiao, MGM Grand Las Vegas, Keith Thurman, Manny "Pacman" Pacquiao, MGM Grand Las Vegas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.