Pangulong Duterte nakipagkita kay Indonesian President Widodo

INQUIRER File Photo

Nagkaroon ng bilateral meeting si Pangulong Rodrigo Dutete kasama si Indonesian President Joko Widodo sa Bangkok, Thailang kung saan ginaganap ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.

Ayons sa Malakanyang naganap ang pagpupulong na naglalayong palawigin ang relasyon ng Pilipinas at Indonesia Sabado ng gabi, June 22.

Kasama sa naganap na miting si Presidential Spokesman Salvador Panelo, Foreign Affrairs Secretary Teodoro Locsin Jr., at Finance Secretary Carlos Dominguez III.

Naroon din sina Agriculture Secretary Emmanuel Piñol, Social Welfare Secretary Rolando Bautista at mga kaparehong kalihim mula sa Indonesia.

Nagkakilala ang dalawang pangulo sa isang gala dinner kasama ang iba pang lider ng ASEAN.

Huling nag-usap si Duterte at Widodo noong 2018 sa Bali, Indonesia.

Inaasahan makikipag-usap din si Pangulong Duterte kina Thai Prime Minister Prayut Chan-o-cha bago bumalik sa Pilipinas ngayong Linggo, June 25.

Read more...