Away ng US at China sa kalakalan at agawan ng teritoryo sa rehiyon tinalakay sa ASEAN summit

By Len Montaño June 23, 2019 - 03:08 AM

AP photo

Target ng mga lider ng mga bansa sa southeast Asia na tapusin na ang matagal ng delayed na kasunduan ukol sa kalakalan sa rehiyon sa gitna ng isyu sa pagitan ng Estados Unidos at China.

Bukod sa US-China trade war, natalakay din sa 34th ASEAN summit sa Thailand ang pagbangga ng barko ng China sa bangka ng mga mangingisdang Pilipino sa Recto Bank.

Ilan pa sa mga isyung pinag-usapan sa summit ang planong repatriation ng mahigit 700,000 Rohingya Muslim refugees na tumakas sa Myanmar mula noong August 2017 at pumunta sa Bangladesh.

Ang confidential draft ng post-summit communique, na inaasahang ilalabas ng host na si Thailand Prime Minister Prayuth Chan-o-cha, ang magtatapos ng mga negosasyon sa ASEAN.

Ang draft statement ang hihimok sa economic ministers na gumawa ng hakbang para maabot ang target ng rehiyon.

 

TAGS: 34th ASEAN Summit, draft statement, post-summit communique, Recto Bank, Rohingya Muslim refugees, thailand, Thailand Prime Minister Prayuth Chan-o-cha, US-China trade war, 34th ASEAN Summit, draft statement, post-summit communique, Recto Bank, Rohingya Muslim refugees, thailand, Thailand Prime Minister Prayuth Chan-o-cha, US-China trade war

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.