Magnolia tinalo ang Phoenix para sa ikatlong sunod na panalo

By Len Montaño June 23, 2019 - 02:26 AM SHARE(S):
PBA Images

Lumawig pa ang panalo ng Magnolia matapos talunin ang palabang Phoenix sa PBA Commissioner’s Cup sa score na 99-96 Sabado ng gabi.

Pinangunahan nina Mark Barroca at Ian Sanggalang ang panalo ng Magnolia sa pamamagitan ng ginawa nila sa 4th period.

Nagtala ang dalawa ng pinagsamang 19 points.

Pero sina Paul Lee at James Farr, na gumawa ng 27 points at 26 points, ang nagsara ng ikatlong sunod na panalo ng koponan na ngayon ay may kartada ng 3 wins 2 loss.

Sinubukan ni Phoenix import Richard Howell na maisalba ang team sa ginawa nitong 36 points at 20 rebounds.

Pero dahil sa talo ay bumagsak ang Phoenix sa kartadang 2-4.

Napanood naman sa laro ang pagbabalik sa court ni Mark Pingris na huling naglaro noong 2018 Philippine Cup semifinals.

TAGS: ikatlong sunod na panalo, Magnolia, Mark Pingris, Paul Lee, PBA Commisioner's Cup, Phoenix, Richard Howell, ikatlong sunod na panalo, Magnolia, Mark Pingris, Paul Lee, PBA Commisioner's Cup, Phoenix, Richard Howell

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.