Korean natagpuang patay sa apartment nito sa Pampanga

By Len Montaño June 23, 2019 - 01:22 AM

Maglilinis na sana ang isang babaeng caretaker sa isang kwarto sa apartment sa Angeles City, Pampanga nang nakita nitong nakabigti ang katawan ng isang lalaking Korean Sabado ng hapon.

Kinilala ng Central Luzon Police Regional Office (PRO 3) ang dayuhan na si Sae Songi Kim, 40 anyos.

Ang Korean ay tenant sa partment sa Robin Street Sa Barangay Sto. Rosario.

Nadiskubre ang dayuhan na nakabigti sa bintana sa kanyang unit.

Prinoseso ng mga tauhan ng Scene of Crime Operatives (SOCO) at patuloy ang imbestigasyon sa pagkamatay ng Korean.

 

TAGS: caretaker, korean, nakabigti, Pampanga, SOCO, caretaker, korean, nakabigti, Pampanga, SOCO

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.