Pagtanggap sa COC ni Duterte, administrative duty ayon sa Comelec

comelec bldg“Subject to any case …” ang kandidatura ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte, kahit tinanggap ng Commission on Elections ang Certificate of Candidacy niya para sa 2016 presidential election.

Ipinaliwanag ni Comelec Chairman Andres Bautista na ang pagtanggap nila sa COC ni Mayor Duterte ay administrative duty lang, “.. para ka lang manager, o tatanggapin natin at sasabihin natin na o, sige mukha namang okey ito yung intrinsic validity yun po ngayon ang tatalakayin. Kasama na ngayon siya sa listahan kaya lang mayroon din siyang disqualification.” ani Bautista.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Bautista na magkakaroon pa rin ng bigat ang magiging desisyon sa disqualification case na kinakaharap ni Duterte.

Ngayong araw, pag-uusapanng First Division ng Comelec ang merito ng disqualification case laban kay Duterte.

Kaugnay nito, sinabi pa ni Chairman Bautista na maaaring mabasura ang kaso laban kay Duterte kung hindi dadalo ang taong nagrereklamo.

Balewala na rin aniya ang kinukuwestyong COC ni Chairman Martin Diño. “ Close case na po yun. Ang nangyari kasi, sinampahan si Mr. Diño ng isang nuisance suit, ang sabi ni Mr. Diño ay magwi-withdraw na lang ako. Kaya lang ang sabi niya, magwi-withdraw ako pero inilagay din niya na ang papalit sa kanya ay si Mayor Duterte.” Paliwanag ni Chairman Bautista.

Samantala, aalamin din ng Comelec kung valid ang pagtukoy ni Diño kay Duterte bilang substitute candidate kahit walang consent ng alkalde.

Read more...