Ilang  mga magsasaka sa Pangasinan, nagsimula nang magtanim dahil sa banta ng bagyo

Sinimulan na ng ilang mga magsasaka sa lalawigan ng Pangasinan ang maagang pagtatanim dahil sa babala ng PAGASA na posibleng makaranas ang lalawigan ng malalakas na bagyo kasunod ng El Niño phenomenon.

Ito ay ayon sa pahayag ni Ernesto Pamuceno, presidente ng Pangasinan Farmers Irrigators Association.

Aniya, ito ay paghahanda para kapag sumapit na ang panahon ng bagyo ay siya namang saktong nalalapit na anihan ng kanilang mga pananim.

Samantala, aminado naman si Pamuceno na makakaiwas nga sa pinsala ang kanilang mga pananim, ngunit hindi naman nila maiiwasan na malugi dahil sa mababang presyo ng mga ngayon sa mga pamilihan. (END/MP)

Read more...