Namumuong tensyon sa pagitan ng Amerika at Iran, pagpupulungan ng UN Security Council
Magsasagawa ang United Nation Security Council ng isang closed door meeting kaugnay sa namumuong tensyon sa pagitan ng Amerika at Iran na isasagawa sa araw ng lunes, June 24, 2019.
Tatalakayin sa nasabing pagpupulong ang pagpapabagsak ng Iran sa drone ng Amerika at ang nangyaring pagpapasabog sa dalawang oil tankers noong mga nakaraang araw.
Depensa ng Iran, dumaan ang drone ng US sa kanilang airspace na maituturing na probokasyon kaya nila nagawang pabagsakin ito.
Dahil sa nangyari, agad na nag desisyon ng pag atake sa Iran si US President Donald Trump na kalaunan ay agad naman niyang binawi. (END/MP)
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.